»

Shinsetsu



Home Archive RSS Ask

Happy Crush ☺ 02.16.13

not quite a crush 
but one with no feelings attached 
you’ve just met and you don’t know if you like the person yet. just someone you’re considering to be a crush because it’s either you don’t know them at all or you barely know them. you think the person is cute!

source: http://www.urbandictionary.com/define.php?term=happy%20crush

———————————————————————————————————————————

Hindi ko alam kung kailan nga ba nagsimula,
nakita ko na lang ang sarili kong gusto ka laging makita. 

Dahil sa halos araw-araw kitang nakikita at nakakasama,
tila kulang ang araw kapag hindi nasisilayan ang iyong mukha.

Saya ang nararamdaman kapag ika’y kasama,
Hinahanap-hanap sa tuwing malayo ka.

Bata ka kung ituring, ate kung ako’y iyong tawagin.
Kaya nag-aalangan sa aking nararamdaman.

Isang paghanga na ayaw na sanang lumalim,
Ayaw man, ngunit tila doon ay papunta na rin.

————————————————

Hay, -.-

 

 

Paano ko ba sasabihin na gusto kita?- City Hunter

Gusto ko.

“Gusto kita. Di ko alam kung kailan nagsimula, basta naramdaman ko nalang.. Di ko alam kung bakit, napagtanto ko nalang na gusto kita lagi makita at makasama. Di ko alam paano, ang alam ko lang nandito na tong nararamdaman ko.. Di ko rin alam kung hanggang kailan, ang gusto ko lang sana di na to tumagal at lumalim pa..

..Gusto kita.. Gusto kitang alagaan, gustong makasama, gustong makita.. Gusto kitang mahalin.. Pero gusto ko ring mawala na ang mga kagustuhan kong ito..”

..darating kaya ang panahon na kaya mo na akong mahalin.. pero handa na akong magmahal ng iba. >.^
palabas:

Paano Na Kaya (Ruel S. Bayani, Star Cinema, 2010)

palabas:

Paano Na Kaya (Ruel S. Bayani, Star Cinema, 2010)

Bilang Isang Kaibigan..

Tayo’y nagsimula bilang mga estranghero,
Naging magkaibigan at nalamang magkakasundo.
‘Di naisipang ako pala’y mahuhulog sa’yo,
Pinipigil na damdamin, pinipilit na itago.

Isang araw, nalaman na ikaw rin pala’y may damdamin.
Isang araw malalaman, ako raw ay ‘di kayang ibigin.
Alin nga ba ang dapat na paniwalaan mula sa’yo?
Na ikaw rin ay nahulog, o sa maling akala ay napaniwala ako?

Nais kalimutan kung ako man ay nasaktan,
Ang nais alalahanin kung ano ang nasa kasalukuyan.
Kaibigang tunay at palaging nandyan,
Patuloy na magmamahal bilang isang kaibigan.. 

-January 8, 2012

♫♪..i think i’m fallin’ in love with you
and i don’t know what to do..♫♪

Scary.

scary. nakakatakot. bahagyang nakakalungkot. mejo masakit.


♫♪..Pano ko ba maitotono
Ang sablay-sablay na buhay ko
Ano pa bang magagawa ko
Daan-daang milyang tinahak ko
Makita lamang ang ngiti mo
Ngunit unti-unti kang lumalayo
t tuluyan ka ng naglaho ♫♪


di ko alam kung nangyayari na ba talaga„ o ako lang yung nag-iisip ng ganon?

nangyayari na nga ba ang kinakatukan at iniiwasan kong mangyari noon?

wuhooo.. eto na ba talaga? ako’y bahagyang nalulungkot sa kung anumang nangyayaring ito… 

Nami-miss na kita. :|  ”unti-unti ka na bang lumalayo??” :( 

palabas:

Labs Kita, Okey Ka Lang? (Jerry Lopez Sineneng, Star Cinema, 1998)

:3

palabas:

Labs Kita, Okey Ka Lang? (Jerry Lopez Sineneng, Star Cinema, 1998)

:3